Sarisuki: Paano Magkaroon Ng Online Grocery Store

Ano ang Sarisuki?

Ang Sarisuki ay isang community selling platform na nagbebenta ng mga groceries. Ito ay makabagong paraaan para bumili at magbenta ng mga grocery. Kung ikaw ay isang bagong negosyante o nais lamang kumita ng karagdagang kita, ang Sarisuki ay para sayo. Tara, tignan natin kung paano mo maaaring itayo ang iyong online na tindahan ng mga grocery at simulan ang iyong paglalakbay sa Sarisuki.

Sarisuki

Paano maging Ka-Sari Community Leader?

Para mag-register sa iyong virtual store at maging Ka-Sari Community Leader, i-download lamang ang SariSuki app mula sa Google Play Store o Apple App Store, at magparegister para sa iyong sariling virtual store.

Ano ang mga benepisyo ng pagiging Ka-Sari?

  • Earn Extra Income: Ang mga madiskarteng Ka-Sari Community Leaders ay maaaring kumita ng hanggang 30,000 hanggang 50,000 kada buwan sa pamamagitan ng online selling
  • Sell from Home: Magtayo ng iyong tindahan sa loob ng iyong komunidad, at ang Sarisuki ang maghahandle ng paghahatid ng produkto sa iyong lugar.
  • Low Capital Needed: For as low as 500 pesos, pwede mo na simulan ang iyong online grocery business na hassle-free.
  • Help Local Farmers: Ang Sarisuki ay direktang kumuha ng produkto mula sa mga magsasaka. Walang middle man kaya naman bukod sa sariwa ang mga produktong dadating sayo, makakatulong ka na kumita ng tama ang ating mga magsasaka.
Sarisuki

Ano ang responsibilidad ng isang Ka-Sari?

1. Magshare at Magbenta

  • I-promote ang iyong online store sa mga kapitbahay at lokal na komunidad.
  • Sumali sa mga Sarisuki groups para matuto ng effective na diskarte para kumita nang mas malaki.

2. Tanggapin at Ibalot

  • Kapag natanggap mo ang mga produkto mula sa Sarisuki, ibalot ang mga ito ayon sa order ng iyong Ka-Suki.

3. Ihatid, Kolektahin, at Bayaran

  • Ipaalam sa iyong Ka-Suki kapag handa na ang kanilang order para sa pick-up o delivery.
  • Maaaring kolektahin na agad kay suki ang kanilang bayad pagkacheckout at pwede ring pabayaran ng COD, depende sa usapan niyo ni Suki.

4. Tumulong sa Iyong Suki

  • Maging unang kontak para sa iyong Ka-Suki.
  • Magbigay ng gabay at suporta kung kinakailangan.

Anniversary Sale Special Offers

Dahil nagcecelebrate ng 3rd anniversary ang Sarisuki, mayroon silang mga promo from May 1 to June 29.

  • Discounted Bundles of Three
    • Buy 2, Take 1, and Buy 3 and save some cash
  • Bigyan ng Jacket
    • Makakakuha ka ng Sarisuki jacket pag naabot mo ang 20,000 net sales from May 1 to June 29
  • Pangkabuhayan Showcase Raffle
    • Tatlong klaseng pangkabuhayan showcase ang ipamimigay via Raffle Draw: Bigasan Showcase, Frozen Meats Shop Showcase, at Gulayan at Itlugan Showcase.
    • Para makakuha ng isang raffle entry, kailangan mo lang makuha ang minimum order sa mga sumusunod na category: Rice (4,000), Chilled & Frozen (5,000), at Fruits & Vegetables + Eggs (3,000),

Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang official website, Facebook Page, at Instagram. Maaari ka ring umattend sa kanilang business orientation tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes (3 PM) gamit ang link na ito: http://links.sarisuki.com/zoom-biz-orientation

3 comments

  1. Wow isang magandang opportunity na ito para sating bagong negosyo 😍big help na din sa mga lokal farmers na talagang masisipag at sure tayo sa fresh products

  2. Maganda ito
    Para sa gusto magkaroon ng income or extra Income ,pwede Ito at salamat Sa Pagbabahagi

Leave a Reply