Gandingan 2021, dadagundong para sa Pampublikong Kalusugan

Gandingan 2021, dadagundong para sa Pampublikong Kalusugan

Muli na namang tutunog ang Gandingan!

Sa kabila ng patuloy na pagharap ng bansa sa pandemyang COVID-19, hindi nito mapipigilan ang muling pagdagundong ng Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards na may temang “Midya: Kaagapay ng Bayan sa Pagharap sa Krisis sa Pampublikong Kalusugan.” Mapapanood ang livestream ng ika-15 Gandingan Awards sa Facebook sa ganap na ika-2 ng hapon sa Mayo 22.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na gaganapin ang Gandingan Awards online bunsod pa rin ng dumaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Una at natatangi ang Gandingan sa mga media awards na nagsagawa ng online na programa noong Hulyo 2020. Bago dumating ang hamon ng pandemya, isinasagawa ito sa DL Umali Hall sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) mula 2007 hanggang 2019.

Sa pamumuno ng UP Community Broadcasters’ Society (UP ComBroadSoc), pinararangalan ng Gandingan ang mga natatanging programa, personalidad, istasyon, at iba pang plataporma ng midya na nagbibigay diin sa komunikasyong pangkaunlaran at walang tigil na naghahatid ng makabuluhang impormasyon para sa bayan.

Midya: Kaagapay ng Bayan sa Pagharap sa Krisis sa Pampublikong Kalusugan

Hindi matatawaran ang naging gampanin ng midya at ng mga kawani nito sa paghahatid sa publiko ng mga kritikal na impormasyong pangkalusugan. Kasama rito ang pagbibigay-halaga sa kaalaman ng mga nakahahawa at hindi nakahahawang mga sakit gaya ng dengue, tigdas, polio, diabetes, at higit sa lahat, ang COVID-19 na kasalukuyang nangingibabaw sa bansa at sa mundo. Sa pamamagitan ng midya, naipararating sa madla ang mga impormasyong makatutulong mapanatili ang malusog na pangangatawan at pag-iisip upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga nasabing sakit. Ang mga ito ang binigyang pansin ng Gandingan Awards ngayong taon.

Gandingan 2021

Kasama ng patuloy na pagtugon ng midya sa layuning maibigay ang
mahahalagang impormasyon ang pagpapakita sa publiko kung gaano katindi ang pakikipaglaban ng medical frontliners sa sakit, ang panawagan ng mga manggagawang pinagkaitan ng karapatang makapagtrabaho, ang mga estudyanteng biktima ng kawalan ng pantay at inklusibong edukasyon, gayundin ang mga biktima ng pang-aabuso, at iba pang mga sektor ng lipunan na patuloy na lumalaban para sa kanilang kalusugan. Ang pagdagundong ng Gandingan ay para sa kanilang lahat.

Sa taong ito, ibabahagi ang mga donasyong matatanggap mula sa Gandingan Awards sa mga batang may kanser na kinakanlong ng Silungan ng Pag-asa (Shelter for Hope) sa Maynila. Ito ang nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga batang nagmula sa iba’t ibang lalawigan na walang malalapitang kamag-anak habang patuloy na nakikipagsapalaran sa Maynila upang magpagamot. Sa kasalukuyan, limang bata ang namamalagi roon habang ang iba ay nasa kani-kanilang mga probinsya na patuloy pa ring sinusuportahan ng Silungan ng Pag-asa.

Gandingan 2021
Gandingan 2021

Para sa iba pang mga detalye, sundan lamang ang mga sumusunod na social media accounts:

Read more 53rd Baeksang Arts Awards

9 comments

  1. It’s a night to fonder.A night for a cause.How I loved this kind of effort because it can be entertaining and at the same time ,caring to other people

  2. This is so nice po Ms karla. Talagang helpful pa and generous dahil yung mapapanalunan nila is dodonate nila. Ang ganda pa ng main focus nya is all about health. Very exciting ito.

  3. Tlgang kaabang abang din ito . Midya din tlga ang gusto ko na isa sa magwagi . Kase tama po lalo na sa panahon ngyon sila ang una tlga ngsasabi kung ano na ngyayare sa bansa ?❤️ napaka generous dahil idodonate nila ang kanilang panalo sa tlgang nangaingaillangan din ?❤️

    1. It’s a good thing to recognize people who worked hard to give out information that we really need at present. And with the theme of Gandingan 2021, main focus is information about health. It is what the people need the most. May this awarding program help our nation more to spread right and truthful news about public health.

  4. This Is Really Nice Blog, and Truly Sobrang nakakatouch po talaga yung mga Ginintuang Puso nila na Matulungan ang mga Kabataang Walang Mauuwian at malalapitang kamagAnak at isa Pa Dito Ang Matulungan ang mga may Kanser na Nasa Shelter of Hope.. Sobrang NakakaExcite Kung sino ang magwawagi sa Programang Ito…

    1. Napakaganda naman naman nitong gandingan dahil totoong malaking mulong ang midya para maging mukat ang publiko sa kung anu anu nangyayare sakanilang lipunan. Mahalagang nalalaman ng mga tao ang ganitong uri ng impormasyon nang sa gayon ay nakakapag isip sila ng kung anu ang mga dapat para mas mapabuti ang kalagayan ng ating lipunan. Isa pa sa nagustuhan ko sa Kanila ay ang pagtulong sa ibang tunay na nangangailangan ng tulong. saludo ako sa mga ganitong tao.

Leave a Reply