Pinarangalan sa Gandingan 2021: The 15th UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards ang apatnapung mga personalidad, programa, istasyon ng radyo at telebisyon, at online platforms.
Sa temang, Midya: Kaagapay ng Bayan sa Pagharap sa Krisis ng Pampublikong Kalusugan, kinilala ng UP Community Broadcasters’ Society (UP ComBroadSoc) ang gampanin at naging ambag ng midya sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa COVID-19 at iba pang isyung pangkalusugan.
“Ang tema ng Gandingan ay silbing paalala sa mga kuwentong kailangan nating palakasin upang masolusyonan ang mga ito,” pahayag ni Prop. Mark Lester M. Chico, tagapagtatag ng Gandingan Awards na ipinalabas sa Facebook ngayong araw, ika-22 ng Mayo. “Paraan din namin sa Gandingan ang pagbibigay ng temang kailangan nating mas pag-usapan, bigyang-pansin, at aksyunan,” dagdag pa niya.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Chancellor Jose V. Camacho Jr. ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) na mahalaga ang gampanin ng midya lalo na sa panahon ng pandemya. “Sa mga panahong nagdaan habang binubuno natin ang mga pagsubok na dala ng COVID-19, higit na naging sandalan ng mga institusyon at mga mamamayan ang tama at patas na impormasyon tungo sa kanilang pagpapasya,” ani niya.
Binigyang-diin naman ng dekana ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran na si Dr. Ma. Stella C. Tirol ang pangangailangan ng bayan sa tama at nauunawaang impormasyon. “We need media that can give us accurate information based on scienti?c evidence, and popularized so it is easy to understand and apply.”
Ang Gandingan 2021 ang ikalawang beses na isinagawa ang pagpaparangal online dahil sa mga restriksyon sa umiiral na community quarantine. Matatandaan na nagtala ng kasaysayan ang Gandingan Awards nang mauna ito sa mga media awards sa bansa na magsagawa ng fully virtual ng programa noong Hulyo ng nakaraang taon.
Umabot sa 168 entries ang natanggap ng UP ComBroadSoc mula sa 80 na programa sa buong bansa. Nilahukan ito ng malalaking media networks gayundin ng mga istasyon mula sa mga unibersidad at probinsiya. Tatlumput limang mga hurado na binubuo ng mga guro, estudyante, at eksperto mula sa UPLB ang sumuri sa mga entries.
Samantala, malaking bahagi naman ng programa ang partner community ng Gandingan na Silungan ng Pag-asa sa Maynila na siyang nagsisilbing bahay-tuluyan ng mga batang Pilipino na may kanser mula sa iba’t-ibang parte ng bansa.
Sa susunod na taon, iikot naman sa isyu ng karapatan ang tema ng Gandingan. “Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayang Pilipino, ito ang panibagong hamon ng Gandingan,” ani Neisel Lyca Petiza, Chief Anchor ng UP ComBroadSoc.
“Asahan ninyong hangga’t may mga isyung dapat malaman ng mamamayan at dapat solusyunan ng pamahalaan, tutunog at mag-iingay ang Gandingan hanggang sa marinig ang kolektibo nating boses na tumatawag sa matinong panunungkulan,” sabi ni Propesor Chico.
Bisitahin ang link na ito para sa live video: https://fb.watch/5ErSNzuZXQ/
Gandingan 2021: List of Winners
I. GENERAL AWARDS – RADIO
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED AM STATION: DZUP 1602
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED AM PROGRAM: On Point-Indigenous Peoples and the Pandemic and Social Enterprises for Minorities during COVID-19 (DZUP 1602)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED RADIO PLUG: DZUP-UPD University Health Service COVID-19 PSA (DZUP 1602)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED RADIO DRAMA: Barangay Love Stories “Whitey” (Barangay LS 97.1 Forever!)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED RADIO PUBLIC SERVICE PROGRAM: Health Matters-Community Health and Disaster Response (DZUP 1602)
- MOST DEVELOPMENT ORIENTED FM STATION: Barangay LS 97.1 Forever! (DWLS-FM) Special Citation
- MOST DEVELOPMENT ORIENTED FM PROGRAM: Talk To Papa “Rosie” (Barangay LS 97.1, DWLS-FM) Special Citation
II. GENERAL AWARDS – TELEVISION
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED PUBLIC SERVICE PROGRAM: Laging Handa Dokyu-Hot Zone (PTV)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED NEWS STORY: The Final Word with Rico Hizon (CNN Philippines)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED DOCUMENTARY: Alerto: The 2019 NCOV Special (PTV)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED TALK/DISCUSSION PROGRAM: So to Speak-COVID-19: Bigat ng Laban, Pasan ng Kababaihan (CLTV 36)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED MAGAZINE PROGRAM: Rise and Shine Pilipinas (PTV)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED FEATURE STORY: Part 1 Outpatient Doctor contracts COVID-19 and has di?culty ?nding a bed, Part 2 Doctor who recovered from COVID-19 opted to go back to work to help other COVID-19 patients-Balitang Bisdak (GMA Regional TV)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED INVESTIGATIVE STORY: Balitang Amianan- Lokal na Pamahalaan ng Cagayan Pinag-aaralang Magsampa ng Kaso Laban sa Magat Dam (GMA Regional TV)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED TV PLUG: Signs and Symptoms of Covid-19 (GMA)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED DRAMA PROGRAM: Magpakailanman-Ep 396 Walang Iwanan: The Layug Family Story (GMA) Special Citation
- MOST DEVELOPMENT ORIENTED MUSICAL SEGMENT/PROGRAM: The Clash Season 2-Episode 36 Round 2 “Laban Kung Laban” (GMA) Special Citation
III. GENERAL AWARDS – ONLINE
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED ONLINE VIDEO: Bakit Mahirap Maging Mahirap sa Luzon Lockdown (GMA News Online)
- MOST DEVELOPMENT- ORIENTED ONLINE NEWS: The Children Are All Grown Up Now (GMA News Online) Special Citation
- MOST DEVELOPMENT ORIENTED FEATURE ARTICLE: I Am Patient 2828 (GMA News Online) Special Citation
- MOST DEVELOPMENT ORIENTED PHOTOGRAPH/PHOTO STORY: The People Who Need PhilHealth The Most (GMA News Online) Special Citation
IV. GENERAL AWARDS – HOSTS AND PERSONALITIES
- BEST AM RADIO PROGRAM HOST: Deo Macalma (Breaktime, DZRH)
- BEST FM RADIO PROGRAM HOST: Renzmark Jairuz “Papa Dudut” L. Ricafrente ( Barangay LS 97.1 Forever!, DWLS-FM)
- BEST TV PROGRAM HOST: Rico Hizon (The Exchange, CNN Philippines )
- BEST NEWS ANCHOR: Rico Hizon (The Final Word with Rico Hizon, CNN Philippines )
- BEST FIELD REPORTER: Mark Makalalad (DZBB Bantay COVID-19 Special Coverage, Super Radyo DZBB 594 kHz / GMA 7)
V. CORE AWARDS – PROGRAM
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED EDUCATIONAL PROGRAM: Eskwekalikasan-Knowledge and Practices of Indigenous People in the Protection and Conservation of Our Environment (DZUP 1602)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED YOUTH PROGRAM: Iskoolmates-Anti-Terrorism Bill (PTV)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED ENVIRONMENT PROGRAM: Eskwekalikasan-Laws and Policies on the Environment (DZUP 1602)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED SCIENCE AND TECHNOLOGY PROGRAM: Health Republic-Superdrugs and Superbugs (DZUP 1602)
- MOST GENDER-TRANSFORMATIVE PROGRAM: Youth for Truth-Tawid: From Tolerance to Acceptance (DZRB-Radyo Pilipinas)
- MOST PARTICIPATORY PROGRAM: Youth for Truth-Usapang Model Cities (DZRB-Radyo Pilipinas)
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED WOMEN’S PROGRAM: Usapang P!-Usapang Pake Ko sa Pwerta Ko (DZUP 1602) Special Citation
- MOST DEVELOPMENT-ORIENTED LIVELIHOOD PROGRAM: DZUP Kapit Diliman-Lukal: Ginger-Calamansi Concentrate for Frontliners (DZUP 1602) Special Citation
VI. CORE AWARDS – HOSTS AND PERSONALITIES
- GANDINGAN NG KABATAAN: Gab Bayan, Tricia Bersano and Sky Quizon (Iskoolmates, PTV)
- GANDINGAN NG EDUKASYON: Atom Araullo (The Atom Araullo Specials, GMA)
- GANDINGAN NG KABABAIHAN: Kara David (Brigada-GMA News TV)
- GANDINGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA: Nathaniel “Mang Tani” Cruz (24 Oras, GMA) Special Citation
VII. MAJOR AWARDS
- UP COMBROADSOC’S CHOICE FOR GANDINGAN NG KALUSUGAN: New Day (CNN Philippines)
- GANDINGAN NG KAUNLARAN: MOST DEVELOPMENT-ORIENTED RADIO/TV STATION/ONLINE PLATFORM: Now You Know
Gandingan 2021: List of Winners is a press release from UP Community Broadcasters Society.
- Facebook Page: Gandingan Awards
- Facebook Page: The UP Community Broadcasters’ Society Facebook Page
- Twitter: @GandinganAwards
- Instagram: @upcombroadsoc
How about you? How was your Gandingan 2021 experience?
All winners deserve it,they are made in times of this pandemic ?, I’m sure more nominee will sprout ,next year
I’m proud to all of you ? You deserve it all!! Galing!
Congratulations to all the winners po❤️❤️❤️
Midya para sa bayan??
Wow ang gagaling na nman . Npaka daming nkakuha ng awards , tlgang deserve nila ito . Congratulations po sa lahat ng winners ??
Congrats congrats sa mga winners
Love this congrats for this success event ng gandingan awards 2021 and congrats to all winners po well deserved talaga ang mga nanalo. Sure na madami ang nag enjoy din dito ❤️?